Kanina dun sa Ortigas (alam kong nakataas na naman ang mga kilay niyo at nagtataka kung bakit ako andun - may pinick-up kasi akong damit at sapatos sa Topshop Galleria) may nagbebenta ng mani/kasoy sa bus na sinasakyan ko. Walang bumili sa kanya pero nakangiti pa siyang nagthank you sa driver bago bumababa. Natuwa ako. Yung iba kasi masungit diba. Kaya ayun, bumili ako sa kanya tas naisip kong wag na rin kunin yung sukli. Astig yung mga kagaya ni manong. Siya lang ata yung nakita kong nagpasalamat sa buong talambuhay ng pagsakay ko sa bus.

Moving on, back to regular programming na din ako. Okay na ako. Heartbreak? Sus. Ilang beses ko nang nadaanan yan kaya dedma na lang. Tutal, kung hindi ako aayos, hindi naman sila ang apektado kundi ako. Edi ako rin ang lugi.

Kaya hello. Welcome me back. Chos. Kala mo kung san nanggaling.

I never leave Forever 21 without buying anything because shit is too huge it’s impossible for me not to find something I like.
See also: why half of my closet is from F21.

I never leave Forever 21 without buying anything because shit is too huge it’s impossible for me not to find something I like.

See also: why half of my closet is from F21.

(via flairey)

Siguro nga naghahanap lang talaga ako ng dahilan para masabing di ko kasalanan. Lam mo yon, para mailipat yung sisi at may dahilan para magreklamo. Kasi nga naniniwala akong gago lang ang nagrereklamo sa mga bagay na siya mismo ang may gawa.

Di ko kasi siya matanggap. Hehe.

Pag-uwi ko, nagtanong agad si Mama kung bakit ang dami kong libro. Sale kasi sa National Bookstore. Karamihan naman ng kinuha ko 50% off.

Ma: Nasa table mo na lang yung iba? (yung mga libro)
Ako: Medyo marami na kasi.
Ma: Kailangan mo na ata ng shelves. 

Sa wakas!! Gustong-gusto ko yung may malaking shelves sa kwarto tapos punung-puno ng libro at magazines. Ganda tignan. (O baka imo lang.) 

Nasa Barrio ako kanina. Tagal ko na atang di nakapunta dun dahil busy-busyhan na. Di na din ako makaeffort kasi gusto ko na lang talaga matulog pag-uwi ko. Sarap talaga pag andun ako. Unlimited ang pagkain. Tas nagrereplay ang HS days sa utak ko. Naks.

At nakadiscover na ako ng pampatanggal badtrip liban sa green tea. I-rap ang Look At Me Now. Effective, swear!!

Minsan, gusto ko nang magsalita. Pero kasi, pag nauna ka, talo ka. Kailangan tiisin mo hanggang siya ang magsimula. Sabi nga sa tatlong utos, wag kang aamin. Sa pag-amin ay binibigay mo sa kanya ang alas. Pwede ka niyang idirekta kahit saang direksyon niya gusto.

Ayoko ng ganun.

Kung lahat ba kasi ng bagay ay nasa black and white, walang pagi-pagitan, walang baka ganito, walang baka ganyan, walang “hindi sure” - sa madaling salita kung walang gray areas, aba, walang problema.

Kaso hinde. Panay ang tambay namin sa gray.

Pero di ko gaano ibabaon ang sarili ko dito para kapag alisan na, madali akong makakahakbang. On the surface lang, di gaano magpapakalalim. Happy happy muna. At bago pa maging masakit, bubunutin ko na.

Hindi ko pa pala napopost dito na nasira yung laptop ko. Mga 2-3 weeks na akong andito sa PC at habang tinitignan ko yung files ko dito, natawa lang ako kasi ultimo yung investigatory project namin nung 1st year, nakasave pa. Pero dinelete ko na lahat ng di ko kailangan dahil mapupuno na ang limang partition nito (Usually, pag tinignan mo sa computer C: at D: lang. Dito may E:, F: at J:). Hinayang na hinayang lang ako sa ibang mga anime at pelikula na sa laptop ko nakasave. Yung mga nakakakilig pa naman yun, tipong feel-good at magandang panoorin pag nabubwisit ka. Sana nalipat ko muna siya.

At palagay ko beyond repair na din yung laptop dahil nabagsak yun. 

Ang sarap-sarap ng panahon ngayon. Well, masarap lang pag nasa loob ka ng bahay. Hassle mag-commute pero okay pa rin naman. So far, hindi pa ako sumusugod sa malupit na baha. Sana matagal pa yun.

Oh well.